Benj Napahikab ako ng magising ako mula sa pagkakatulog. Bumangon ako at napahilamos ng mukha. Napuyat ako at kahit gusto ko pang matulog ay bumangon na ako. Wala si Nyebe sa tabi ko kaya napahinga ako ng malalim. Tumungo ako ng banyo at naligo agad. Dapat ay mabilis ako sa kilos ko dahil tiyak na matataranta na naman ako. It's been a long time since we got married. And now, I'm a father. Napangiti ako ng marinig ang iyak ng anghel ko. She's like her Mom. Curly hair kahit one year old palang. Kahit nakatapis ng tuwalya ay lumabas ako ng banyo. Lumapit ako sa baby cribs at nakita ko na umiiyak na ito. "Oh, baby, stop crying. I'm here." Binuhat ko ito at hinalikan. Napakalago ng buhok nya na para talagang si Nyebe. Ang asawa ko ang nagwagi kung kanino magmamana ang anak namin. Napat

