Agad na pinarada ni Aldrin ang kanyang bigbike pagkatapat niya sa isang bahay. Napapaligiran ng mga puno ang buong paligid at sa likod ay malamang papasok na sa kagubatan. Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ni Zei at ibinigay sa kanya ang address ng bahay na nasa harapan niya ngayon. Hindi naman nito sinabi kung sino at bakit siya pinapunta roon. Sinuyod ng mga mata niya ang buong paligid. Mukhang safe naman tumira sa lugar na iyun kahit malayo ito sa iba pang bahay. Humakbang na siya papunta sa pintuan ng bahay. May kalakihan iyun at moderno ang pagkakagawa pero parang wala naman nakatira roon. Agad na kinapkap niya ang likuran kung saan nakasuksok ang baril niya. Kailangan maging handa siya. Hindi pa naman niya ganun kakilala si Zei eh,well,wala naman masama kung minsan maging ma

