Kinakabahan na ewan iyun ang nararamdaman ni Aldrin habang hinihintay niya ang dalaga na nagpapaalam sa pamilya ni Zei at sa kambal na close na close nito. Panay ang sulyap niya sa bukas-sarang palad niya kung saan naroroon ang dalawang singsing na binigay sa kanya ng Hari at Reyna. Wala man desenyo gaya ng totoong engagement ring ay tunay naman na nakakamangha ang tingkad ng kulay niyun. Parang hawak-hawak niya ang isang papalubog na araw pero iyun ang magiging simbolo ng panibahong yugto ng buhay niya kapiling ang prinsesa niya. "Excited na ko umuwi," pagyakap ng kasintahan mula sa gilid niya. Agad na niyakap niya ito patagilid din. "Ang ganda dun. Kasingganda ng prinsesa ko hindi talaga ako magsisisi na manirahan doon kasama ka,my princess," masuyo niyang saad. Matamis na nginitian s

