Exciting 'to! Maingat at walang ingay na sabay nila nilapitan ang kinaroroonan ng mga hostage-taker. Sumulyap sa kanya ang kasintahan na siyang nauuna sa paglapit sa kinaroroonan ng mga ito. May hawak daw kasi itong baril at gusto nito nasa likod lang siya nito para maprotektahan siya kahit na alam nitong kaya niya ang sarili. Napangiti na lang siya at hayaan ito sa gusto nito. Napukaw siya ng malakas na hiyaw mula sa babaeng hostage. Malakas na napamura ang kasintahan. Let's move now! Tinanguan siya ng binata at sabay sila lumabas sa kinakukublihan nila. Hindi kaagad nakaama ang mas malapit na kalaban sa paglapit nila at mabilis na nadisarmahan nila ang mga ito. Mabilis ang kamay niya na pinatulog niya ang mga ito samantala ang kasintahan naman hinahampas ng baril ang kalaban sabay

