The hell?! Pakurap-kurap na nakipagtitigan si Aldrin sa malalaking mga mata ng lobo na mariin na nakatitig sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Ang lobo na nasa panaginip,ang lobo na nakita niya noon gabing iyun na nasa misyon sila at ang lobo na nasa painting..ay si Frenelyn Eskovar. Nanantiya na naningkit ang mga mata ng lobo at humakbang ito na tila handa na siyang atakehin anuman oras. Pero nanatili lamang siya nakatitig rito. "T-totoo nga.." usal niya at inilibot niya ang paningin sa kabuoan nito. Oo,malakas ang kabog ng dibdib niya pero..mas nangingibabaw ang pagkamangha at gulat niya sa nakikita niya ngayon. That is so fuvking unbelievable! Hindi siya umatras ng humakbang ang lobo palapit sa kanya. Kung hindi lang niya alam na si Frenelyn Eskovar ang lobo na na

