Gumising ako ng maaga para mag pa alam kay Sir Noah na aabsent ako hihingiin ko na rin yung address nung amelia kung saan nakatira.
Pag bangon ko wala na agad sa tabi ko si Fey
San na naman kaya yun pumunta kainis yung babae na yun di man lang nag paalam.
Ginawa ko ang daily routine ko pag tapos maligo at mag bihis bumaba na ako, nakita ko si mama nag hahain ng pagkain sa mesa.
"Goodmorning ma!!sabay halik ko sa kanyang pisnge, si Fey ma napansin nyo po ba?
"Morning din anak" maaga umalis ang batang yun sabi kakausapin nya daw ang kanyang tyang sinabi ko nga na mag agahan muna,kaso ang sabi babalik nalang daw.
"Ganun po ba sige tara na ma kain na tayo!!Alok ko sa akin ina. Ma maniniwala ba kayo kung sakaling nakita ko na ang mama ni Fey.
"Talaga anak" Saan? Kelan?naku matutuwa ang batang yun. nagagalak na pahayag ni mama
"Di pa po ako sure ma basta alam ko lang po pinapahanap ng boss ko si Fey tita nya daw po ang mama ni Fey.
" Talaga anak!! nasabi muna ba kay Fey iyan?
"Opo kagabi po" Slamat sa dyos at magiging masaya na ang isa kung anak!! naluluhang sabi ni mama.
Pag tapos namin mag agahan pumasok na ako sa trabaho balak ko umabsent. Pag ka tungtong ko sa elevator pinindot ko kung saan floor ako mag sasara na sana ang pinto ng may biglang pumasok na babae, matangkad ako ng konti rito mapayat nga lang sya sakin maganda rin ang katawan malaki ang d*d* nya at yung pwet nya naman ewan parang di natural pula ang dress nya kita ko na ata ang singit neto sa sobrang ikli tapos pulang pula pa ang labi na akala mo sasabak sa gyera, Napukaw ako sa pag jjudge sa babae ng bigla itong mag salita, bigla tuloy akong nahiya.
"Are you done"checking me darling?
"Pasensya na po" hinging paumanhin ko.
"It's ok!! I know naman na nagagandahan ka sakin.
Ay ang hangin din! diko nalang pinansin at ng bumukas na ang elevator nauna pa syang lumabas kesa sakin dumertso sya ng lakad papuntang office ni Sir, teka!! sa office ni Sir sya pumunta sino kaya itong babae nato baka girfriend sabi ng aking isipan.
Pag bukas ko ng office nakita ko yung babae na naka pulupot sa leeg ni sir na akala mo ay may lahing tuko si sir naman nakaupo habanag nag titipa sa kanyang laptop tsk!! diba sya nasasakal jan sa ginagaw ang babae nya, nagulat ako ng dumagundong ang boses ni sir sa apat na sulok ng kanyang opisina grabe nakakatakot na akala mo may halong kulog.
"WHAT" ARE YOU WEARING WOMAN!!!!
"Ako po ba? turo ko sa aking sarili.
"YES!!
"Oum ano po kase si_ diko na naituloy ang aking sasabihin ng sumingit ang babaeng namumutok ang labi sa sobrang pula na akala mo'y anong oras tutuka.
"Who is she babe?
Tumayo si sir at nag lakad pa punta sakin,hinapit nya ako sa aking bewang at pinaharap ako sa kanyang bisita. mula sa aking likuran niyakap nya ako, Di ko mapigilan pulahan ng mukha sa sobrang lapit nya sakin at amoy na amoy ko ang kanyang mamahaling pabango, jusko! lord!!! help me baka di ako maka pag pigil mapapak ko to.
"Hmm!! swetie i miss you" sabi ni sir sakin emyged imiss u too sir ani ko saking isipan.
"So sya na pala ang pinalit mo sakin, isang babaeng walang class!! nang uuyam na pahayag ng manok este yung babaeng mapula ang tuka.
"Shut up Clarisse!!!! bumitaw sakin si Sir at hinila nya ang babaeng nag ngangalang clarisse at tska dinala sa labas, bago pa sila lumabas binalingan ako ni sir na nakakatakot na tingin at sabay sabing , MAG-UUSAP TAYO PAG BALIK KO.
Sige po sir aantayin ko po kayo ngiting keme na pagkakasabi ko sabay tingin ko pulang manok, nakitang kong galit na galit ito sakin kanina lang sa elevator sobra sobra ang ngiti ngayon naman para syang nakakatakot na gusto kang kainin ng buhay.
Nag antay ako sa pag balik ni Sir, dalawang oras na simula nung umalis sila ni manok este nung clarisse, naiinio na ako tinext ko pa naman si mama na antayij si Fey bago pumunta sa sinabi kong lugar nag reply naman si mama na wala pa daw dun si Fey, san na naman kaya pumunta ang babae na yun, tumayo na ako sa aking upuan kase kanina pa nag iinit ang aking pwet kakaupo at kakahintay sa magaling kong boss.
Pag bukas ko ng pinto tumambad sa aking ang madilim na aura ni sir na akala mo'y ano mang oras lalapain ka charr!!!
"Where do you think you going?
"Aalis na po"
"Bakit may sinabi ba akong umalis kana?
Pahayag ni sir habang palapit sakin ako naman ay pa atras ng pa atras hanggang sa napa upo ako sa mesa nya, tinukod nya ang kanyang dalawang kamay at pumantay sakin tinitigan nya ako sa aking mga mata hanggang sa aking labi, wait!! hahalikan nya ba ako dipa ako ready pero pinikit ko ang aking sarili maya maya lang ay narinig ko ang kanyang malakas na tawa. Ay nabuang na tsk!! ba't ba kase iniisp ko na hahalikan nya ako, tinulak ko sya at natulak naman sabay inayos ko na rin ang sarili ko kailangan ko na talagang umalis.
"Sir may sasabihin po ako"
"What is it?
"Gusto kong makausap ang tita amelia mo"
"what?why?
"Basta sir importante lang talaga tungkol to sa nawawala nyang anak!! kaya po ako naka ganto kase magpa paalam po ako na aabsent para makausap sya sana payagan nyo po ako .
"WHAT ARE YOU WEARING? huh! sa dami ng pa alam ko damit ko ang pinoproblema nya kainis!!
"Damit po sir".
"I know na damit pero bakit ganyan labas ang pusod mo kinulang kaba sa tela? ayy yun hindi lang pakialamero ano"
"Sir wala naman pong masama kung ganto ang suot ko wala naman po akong na aapakan na tao ng dahil lang sa labas ang pusod ko.
"Yeah walang masama pero kasama mo ako.
"Anong kasama?
"Sasamahan kita sa tita ko kaya mag palit kana ayukong umalis ng ganyan ang itsura mo!!
"Pe-o ?wala ng pero pero hinagis nya sakin ang paper bag natulala ako sa nakita, binilihan nya ako ng damit .
"Mag bibihis kaba? o ako ang mag bibihis sayo?
Bigla na lamang ako nataranta papasok ng banyo letche na yun manyak talaga ok na sana e ang bait na nya binilhan na ako ng damit kaasar.
Pag labas ko ng cr nakita ko si Sir na naka upo at may hawak na telepono may kausap ito napatingin sya sa akin, maya maya ay binaba na neto ang telepono at nag lakad papunta sa aking dereksyon.
"Your so beautiful" nag niningning ang mga mata neto.
"Thank u sir"
"Don't call me sir"
"Bakit po? e boss ko po kayo!!
"Yeah but i want you prefer to call me by my name, ok? hindi yun pakiusap kundi utos.
"Noah?
"Sound's good" let's go. hinapit nya ako sa bewang, diko mapigilan kiligin sobrang lapit namin sa isa't isa at amoy na amoy ko ang pabango nya hmm!! sarap papakin ng Noah nato.
Sabay kaming lumabas ng building at sunakay sa kanyang mamahalin na kotse at pag katapos pinasibad nya na ito. Sana sya na talaga ang hinahanap mong mama Fey ani ko sa aking isipan.
Sa kabilang dako naman umalis ng ma aga si Fey dahil nag text ang kanyang tyang at gusto daw sya makausap, pag kakataom nya na ito oara tanungin nag kanyang nawawalang ina, di na sya nag pa alam kay amber dahil mahimbing pa itong natutulog. Masaya sya dahil binahagi sa kanya ni amber na natagpuan na ang kanyang ina sana totoo ang sinabi nya sana yun na ang mama ko, naluluha nitong sabi.
Pagkarating na pag karating nya sa bahay ng kanyang tyang tamihik ang silid hindi maka basag pinggan, pag pasok nya may bigla na lamang tumakip sa kanyang bibig na panyo na may halong matapang na amoy basta ang huli nya na lang narinig ay yung sinabi ng kanyang tyang na.
OH SIGE NA UMALIS NA KAYO AT BAKA MAY MAKA KITA PA SAINYO SABIHIN NYO SA BOSS NYO BAYAD NA AKO SA UTANG SA KANYA,KAYO NG BAHALA SA BABAENG YAN