Akmang lalapit pa ako sa kanya pero mabilis na naman siyang nawala na parang isang usok at tanging halaklak nalang niya ang naiwan sa lugar na ito. Ganyan naman siya palagi ang mawala nalang sa labanan hanggat hindi pa natatapos, kaunting araw nalang at alam kung magkakaharap na talaga tayo ng tuluyan. Hindi ko alam kung anong klaseng laro ang kanyang gusto pero sasabayan ko siya ganon nga lang sobrang sakit ng kanyang laro na kahit kaibigan ko papatayin kuna para lang wakasan ang lintik na ito. Kasabay ng pagkawala ni Esmeralda ay siya namang pagtila ng ulan at ang pagsikat ng araw na dahan-dahang dumampi sa aking pisngi pero sa pagsikat ng araw na ito ay siya namang paggawa ko ng desisyon na hindi ko kakayanin pero kailangan kung gawin. “Pasensya kana kung umabot na naman sa ganito bab

