Habang umiinom ako ng mainit na tubig at nakaupo sa upuan dito sa harden hindi naman mawala sa aking alaala ang mga nanyari lalo na ang naging laban namin o mas tamang sabihin ng demonyo na iyon na nasa katawan ko ngayon at kumukuha na naman ng oras para lumabas na naman at walang may alam kung kailan iyon pero kailangan kung maghanda at pigilan siya pero hindi ko naman siya kaya, alam naman natin kung anong kapangyarihan ang meron siya nagawa nga niyang makipag-sabayan ng laban kay Esmeralda at Rayle ako pa kaya na walang alam sa pakikipaglaban at aminado ako na kapangyarihan niya nag ginagamit ko kapag nasa laban ako at isa pa iyon sa naging dahilan kung bakit ang lakas talaga niya at ang sabi nila sa akin ako lang ang makakagawa ng paraan para matalo siya na hind ko nga alam kung paano.

