Hindi ko alam kung ano ang sasabihin k okay Ivan habang nakaupo ito sa sofa at napapahilamos sa kanyang mukha ng sabihin ko sa kanya na hindi naman talaga ako buntis paano ba naman ang bilis naman kasi niyang maniwala sa mga naririnig niya kaya kung ano-ano nadin ang kanyang iniisip. Hindi ko naman masisisi si Ivan dahil talagang maniniwala nalang siya sa sasabihin ng ibang tao dahil wala naman akung sinasabi sa kanyan na kahit ano. Nasanay na kasi si Ivan na sinasabi ko sa kanya ang mga problema ko pero ngayon mas pinili ko nalang na itago sa kanya hindi ko naman siguro pwedeng sabihin sa kanya ang lahat ng kabaliwan ko sa aking isipan. “Pero bakit ka nagkakaganito Kleyton kung hindi ka naman buntis alam kung may hindi ka parin sinasabi sa akin,” ano pa ang aasahan k okay Ivan malamang

