Hindi kuna tinignan kung paano umalis sina Ivan at ang kanyang pamilya kasi alam ko naman na makakaya na silang alagaan ni Ace at mas makabubuti narin siguro ito para maging ligtas sila kasi habang nasa tabi ko sila mas nagiging mapanganib ang kanilang buhay. Kung kakalimutan nila ako at iyon ang kanilang gusto wala na akung magagawa doon pero palagi lang akung nandiyan sa kanilang tabi upang bantayan sila hanggang sa matapos ang kaguluhan na ito. Hindi natin alam kung ano na naman ang tumatakbo sa utak ni Esmeralda kaya kailangan na maging alerto. Naramdaman ko nalang na mahigpit na hinawakan ni Rayle ang aking kamay habang ramdam na namin sa dulo ang mga putanginang alagad ni Esmeralda sana makalayo kaagad sila bago tuluyang makarating ang mga hayop na iyon. Nilingon ko siya at tinigna

