Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatingin kay Ivan na hanggang ngayon nasusuka parin siya at hindi maka-get over sa mga nangyayari. Natapos na ang gulo kanina at hindi ko alam kung paano ko napatay ang lahat-lahat ng mga halimaw na iyon kasi natigil lang ako sa pakikipag-laban ng wala na akung nakitang kalaban kundi ang pagsusuka nalang ni Ivan na akala mo naman buntis kung magsuka. Ang baho kasi ng buong paligid at nakakalula ang mga bangkay na pinatay ko siguro kung ito ang unang pagkakataon na makita ko ito malamang masusuka din ako pero hindi. Nasanay nalang siguro ako at hindi na inalala ang baho at bangkay sa buong paligid. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti sa kanya kaya napatinngin naman siya sa akin at bigla na akung inirapan hindi ko naman alam kung bak

