Habang nakatingin ako sa papalayong likod ni Rayle nandito parin ang malakas na kabog ng aking puso kabog ng takot na parang kinakabahan ako na hindi ko alam. Umalis kasi silang lima at naiwan lang ako dito sa palasyo para magbantay kasi may kailangan lang silang patayin at ang sabi sa akin ni Rayle dito nalang muna daw ako at kailangan kung magpa-hinga kasi galing din naman ako sa labanan. Pero kahit anong takot ang naramdaman ko hindi ko parin tinawag pabalik si Rayle kasi alam ko naman ang responsibility niya at hindi sa lahat ng oras ako lang ang aasikasuhin niya may mga kailangan din siyang ayusin maliban sa akin, alam ko naman iyon at intindihin ang bagay na iyon. Hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin ko sila at naiwan na talaga akung mag-isa sa palasyo wala na akung nagawa k

