Habang hawak-hawak kuna naman ang katawan ni Aiden hindi ko mapigilan ang aking sarili na humagulgol ng iyak kasi napatay kuna naman ang aking kaibigan at sa harapan pa mismo nina Rayle ko siya napatay at kahit sila ay hindi kaagad nakagalaw ng makita nila ang aking ginawa. Kahit nga si Ivan ay nakita ko ang panlalamig ng kanyang mga kamay lalo na ang panginginig niya at punong-puno ng gulat ang kanyang mga mata habang nakita ang aking ginawa lalo na ng bigla ko nalang siyang sinalo at itinarak ang aking esapda sa kanyang dibdib. Hinaplos ko ang pisnge ni Aiden habang sumusuko siya ng dugo at hindi mawala ang kislap ng kanyang mga mata habang nakatingin sa akin, tingin na punong-puno ng galak at saya nawa wakas makakapag-pahinga na siya. “Salamat Kleyton,” mahina niyang saad sa akin kaya

