Nagising nalang ako na parang may nagsisigawan at hindi ko alam kung saan ako ngayon basta ang alam ko nakahiga ako at sobrang sakit ng aking buong katawan kaya dahan-dahan akung bumangon kasi kaagad na bumalik sa aking alaala ang lahat-lahat na mga nangyayari at hindi ko alam kung bigla nalang akung nandito at wala akung alam kung bakit ako napunta dito. Habang bumabangon ako napatingin ako sa aking tiyan kung saan naalala kuna sinaksak pala ako doon ni Rayle at doon bumungad sa akin kaagad ang butas sa aking tiyan at ng inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid nandito ako sa gitna ng gubat pero nakahiga naman ako sa mga bulaklak pero kaagad na namang napukaw ang aking atensyon ng makarinig ako ng sunod-sunod na sigawa at hindi ako pwedeng magkamali dahil kay Ivan na boses iyon.

