Habang nakatingin ako kay Rayle na pinaglalaruan ang aking kamay habang nandoon lang ang kanyang focus pero ako marami na ang pumapasok sa utak ko habang nakatingin sa kanya, ganon nga siguro kapag mahal mo ang isang tao marami ang pumapasok sa isip mo tungkol sa kanya. Dahan-dahan kung kinuha ang kamay ni Rayle at hinawakan ito ng mahigpit kaya napatingin naman siya sa akin kasi alam kung maysasabihin siya sa akin pero hindi niya magawang sabihin kaya iyon ang aalamin ko kung ano, kilala ko si Rayle kaya alam kung may hindi talaga tama sa kanya palagi nalang kasi siyang nakadikit sa akin at ayaw umalis kaya iniisip kuna may hindi talaga tama o may sasabihin siya sa akin na hindi niya magagawa. “Alam kung may sasabihin ka sa akin kaya sabihin mo na,” mukhang nagulat pa si Rayle sa sinab

