Alam kung hindi magtatagal at ako naman ang ilalampaso ni Esmeralda kapag nakakuha siya ng pagkatataon lalo pa at may sugat ako sa aking katawan na gawa ni Rayle at kapag natamaan niya ako talagang malaking damage ang magagawa nito. Malakas akung napabuntong hininga at tinignan siya na dahan-dahan na bumabangon habang nagbabaga ang kanyang mga mata at laking gulat ko ng bigla nalang yumanig ang lupa at nagsisulputan ang mga nilalang ni Esmeralda na kaunti nalang magiging kamukha na niya. Alam natin kung gaano kapangit ang babae na ito kung hindi lang dahil sa kanyang kapangyarihan malamang matagal ng pangit ang lintik na ito. Muli kung tinignan si Iris na ngayon ay natatakot dahil sa mga goblin na nakapalibot sa kanya at anytime pwede siya nitong sugurin at lapain pero dahil sa shield na n

