Hindi ko alam kung makakaya ko bang intindihin ang mga sinasabi ni Rayle ngayon pana naging malapit na sila sa akin pero sa huli ito din pala ang mangyayari. Mas lalong umagos ang aking mga luha dahil sa kanyang sinabi at hinawakan na naman ang aking kamay habang punong-puno din ng sakit ang kanyang mga mata at hindi niya sa akin matatago na umiiyak din naman siya sa mga nangyayari na ito. Kung kayo ang nasa posisyon ko alam kung ganito din naman ang mararamdaman niyo sobra pa nga kapag nalaman niyong kayo pala ang papatay sa mga taong mahalaga sa inyo para sa kapakanan ng lahat. “Rayle let us talk to her,” mas lalo akung nanlamig ng marinig ko ang boses ni Ace na alam kung nasa likuran at literal na nanginig na ang aking mga kamay at walang alinlangan kung binato sa akung saan ang aking

