Habang naghihintay kami at nakaupo doon sa sinasabing bundok ni Rayle hindi ko maiwasang isipin na parang may mali talaga hindi ko lang pinahahalata sa kanila pero alam kung may mali talaga sa kanilang ginagalaw na hindi ko maintindihan kung ano. Hindi lang ako nagsasalita dahil ayaw kung isipin nila na kung ano na naman ang aking nasaisipan na ang totoo naguguluhan din naman ako sa kanilang mga sagot hindi ko lang talaga pinapansin at wala na akung balak na pansinin pa iyon kasi may mas mahalaga kaming bagay na kailangan asikasuhin kagaya nalang ngayon. Napatingin ako sa paligid kung saan sa tuktok ng bundok may roong anim na bato at naglalakihan sila na akala mo naman may ililibing dito at habang nakatayo ako sa isang bato kumakabog ng malakas ang aking puso ito ang pinakamataas sa laha

