“Sabihin mo nalang kasi sa akin Rayle kung ano ba talaga ang nangyayari dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari at habang tumatagal na wala akung alam mas lalong sumasakit ang ulo ko at hindi ko alam ang gagawin ko,” mahina kung saad kay Rayle habang nandito parin kami at nakaupo sa kama dahil talagang hindi ako aalis dito na hindi alam ang buong katotohanan. Kapag nagising ako sa kabilang mundo mas lalong maguguluhan ako at baka ma buang na talaga ako sa kakaisip ng bagay na ito. Para akung tanga na nakatingin dito kay Rayle na naghihintay pasa ibang sasabihin ko at kung pa ang magiging reaksiyon ko akala niya makakalimutan ko ang ginawa niya kanina na tinawanan lang niya ako at ang sarap niya talagang piktusan parang walang kasalanan sa akin kung tawanan niya ako. Pero isa naman aku

