Ng tuluyan na kaming makarating ni Rayle sa palasyo dahan-dahan niya akung inalayan hanggang sa makababa ako sa kanyang kabayo paano ba naman ang bilis-bilis naman niyang bumba na parang wala lang sa kanya. Itinali niya ito at mabilis akung tinignan kaya ngumiti ako sa kanya kahit paano dahil ng inikot ko muli ang aking tingin sa buong paligid parang nabuhayan nga ito na parang masasabi muna isa itong magandang paraiso. “Grabi talaga ang epekto mo sa buong lugar na ito Kleyton,” saad ni Rayle at kaagad na ngumiti sa akin habang nakatingin sa dulo ng kanyang palasyo. “Kung hindi ka dumating unti-unting magiging madilim din ang buong lugar na ito hanggang sa mawalan ng buhay at sobrang laki ng pasasalamat kuna bumalik ka,” biglang lumapit sa akin si Rayle at mabilis akung niyakap ng mahigpi

