Nagising nalang ako ng makarinig ako ng malalakas na tunog ng kadena at ng dumilat ako doon bumungad sa akin ang mga goblin na nakangisi na naman sa akin at hinihila ang aking kadena at bigla nalang sumubsob ang aking mukha doon sa lupa at nakaramdam kaagad ako ng sakit sa aking mukha ng tumama ito sa mga bato at mas lalo lang silang tumawa sa akin habang hinihila nila ako na parang isang hayop. Sunod-sunod na bumangga ang aking mga katawan sa mga bato at kung saan-saan pa dahil sa kanilang ginawa at ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking buong katawan pero alangan naman magreklamo ako kasi baka mas lalo lang nilang dagdagan ang sakit na dinadama ko. Gumawa nalang ako ng paraan kung paano ako makakatayo pero tangina hindi ko naman maitukod ang aking kamay kasi nakatali ito sa kadena kaya t

