Nakatingin siya kay Draze habang busy nitong kinakausap ang isa niyang tauhan sa telepono. Nasa bahay na sila at hindi na siya iniwanan ni Draze sa tabi, ramdam niya rin na hindi ito okay. "Yes... Yes... Just follow that man, get his family background and all." Umayos siya ng upo sa kama nito nang matapos itong makipag-usap. "You'll be home schooling for a while," ani nito sa kaniya. "I know you want to experience school but you're her target now, and she have information about me. I'm sorry." Tumayo at hinarap si Draze, hinawakan niya ang kamay nito at tiningnan sa mga mata. "Naiintindihan ko naman, hindi mo na kailangan mag-sorry. Tiyaka hindi ko naman inexpect na pag-aaralin mo ako kaya kahit home school pa 'yan ay masaya na ako. Ayaw ko rin maging pabigat sa inyo at gusto ko m

