Nagsikilos ang kaniyang mga tauhan nang mahanap kung nasaan si Romilo Mercillo. Kasalukuyan itong nasa Cavite, sa isang bahay bakasyunan. Sumilip siya sa labas ng sasakyan at nakita niyang nagkakatutukan na ng baril ang tauhan niya at tauhan ni Romilo. Agad siyang lumabas ng sasakyan at naglakad papunta sa harapan ng kalaban. "Asan ang amo niyo?" tanong ni Gunner. Nakahawak ito ng baril, tanging siya lang ang walang hawak pero mayroon siyang dala. "What's the commotion here?" Naibaling niya ang tingin sa kanan at nakitang nasa balcony ang matanda. May hawak itong tabacco at sa kabilang kamay naman ay isang alak. Naka-topless pa ito at kitang kita ang bilugan na tiyan at mabalbon na dibdib. "Anong ginagawa ng Knights dito sa pamamahay ko?" Kaswal na tanong nito. Tinitigan niya ito at

