CHAPTER 99 “Hindi ba’t sinabi ko naman sa’yo? Huwag mo akong hawakan, huwag mo akong yakapin, huwag kang magkunwari na alam na alam mo at ramdam na ramdam mo ang lahat ng pinagdaanan ko!” pilit kong tinanggal ang nakapulupot niyang kamay sa akin. Itinulak ko siya palayo sa akin. “Sorry na please. Sorry…” napaluha siyang umupo sa tabi ko. Inakbayan niya ako pero umusog ako palayo. Hindi na niya ako kinulit. Humihikbi niyang pinagsaklob ang nanginginig niyang kamay kasabay ng patuloy na pagtulo ng kanyang mga luha. “Wala na ngang mangyayari sa sorry mo, Gjiam. Idiniin mo na ako sa panahong naghihingalo ako. Sa panahong ikaw na lang sana ang magdadagdag sa buhay ko. Tinapakan mo ako kahit nang panahong gusto kong kahit papaano ay makaahon at makaalpas sa kinasadlakan ko.” “Iyon lang ang a

