CHAPTER 91 Tahimik akong nakaupo sa sulok habang nanonood ng basketball nang may tumabi sa akin na isang bagong preso. Ngumiti siya sa akin at isang tipid na ngiti lang din ang isinukli ko. Hindi na ako sanay makipagkaibigan. “Hi Ma’am!” bati niya sa akin. Kagabi. napansin ko na siya. Hindi ko alam kung talagang nagpapansin o palakaibigan lang lalo pa’t nakita siguro niya na sa lahat ng preso, isa ako sa mga maayos ang hitsura. “Hello,” sagot ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mga nagba-basketball. “Pwede hong tumabi, Ma’am?” Hindi ako sumagot ngunit tumango ako sa kanya. Ibinalik ko ang aking mata sa aking pinapanood. Naroon kasi si Rocky na naglalaro rin. Kumikintab ang kanyang makinis na katawan at mukha sa pawis at dahil na rin sa tama ng araw. Sinong mag-aakala na ang kata

