CHAPTER 108 Lumuwang aking paghinga nang makita kong may nakaharang kina Mommy at Hanna. Pilit ko kinilala. Si Gjiam. Inihaharang ni Gjiam ang katawan niya kina Mommy at Hanna. Hindi ko iyon inaasahan. Nakadapa na sina Mommy at Hanna at kapwa sila nakahawak sa kanilang mga ulo. Hanggang sa kabilang dako, nakita ko si Tores at Rocky na tinutukan ng baril ng apat na lalaki. Kita ko ang takot sa mukha ni Rocky lalo na nang tutukan na siya ng baril sa ulo at pinapatayo. Nasa mukha ng lahat ng bisita ang takot. Nang mga sandaling iyon ang inaasahan kong sina Tores at Rocky ay hawak na ng mga kalaban. Ano man ang gagawin ng mga armadong naroon ay pwede lang nilang isakatuparan nang walang kahirap-hirap. Ibig sabihin alam ng mga kalaban na kakampi ko sina Tores at Rocky. Alam nila ang aming mga

