Biglang nakaramdam nang matinding kasiyahan si Yana nang makita ang paparating na sasakyan ni David. Tila binuhay nito ang nalulungkot niyang puso. Ilang araw na ring hindi umuuwi ang binata sa mansion. Hindi magkamayaw ang saya sa kanyang puso. Ngunit ang kasiyahang iyon ay napalitan ng matinding panghihinayang nang makitang si Conner pala ang sakay ng naturang Lamborghini. Where's David? Ani ng isipan ni Yana. Bagsak ang kanyang balikat na naupo sa couch. Katatapos lang niya sa kanyang trabaho. Makalipas ang ilang minuto. Narinig niya ang ilang yabag ni Conner na papalapit sa kanyang gawi. Napalingon siya sa nakangiting binata. Isang malungkot na ngiti ang ibinigay niya rito. Napasulyap siya sa dala nitong bulaklak na sa tingin niya'y para sa kanya. "You look sad, what's the matter?" t

