Pagbaba pa lang nila sa private jet. Nagulat ang tatlong lalaki na sina Dylan, David at Orland. Gayundin sina Yana, Jamal at Renelyn. Hindi nila kilala ang mga nagsidatingan na mga tila parang squad kung titingnan ang mga ito. Inihanda ang pulang karpet para apakan ng lalabas sa naturang private jet. Nagkatinginan sina Astrid at Adam. Palibhasa'y sila lang dalawa ang nakakaalam ng lahat. "Bakit may royal protection squad dito?" takang tanong ni David. Nagulat na lamang sina David, Dylan at Orland ng biglang nagbigay galang si Adam kay Astrid. "Maligayang pagbabalik your highness," ani Adam at sumunod ang ilang (RPS) Royal Protection Squad sa pagyuko. Sina Jamal at Yana ay nagkatitigan sa isa't isa. Gulat ang mababakas sa kanilang mga mukha. May dumating na limang mercedez benz kung

