Napatalon si Yana sa busina ng kotse ni David. Napahawak siya sa sariling sentido. Kasabay niyo'n ay ang kakaibang kaba na kanyang nararamdaman. Bakit napalitan iyon ng hindi maipaliwanag na damdamin? Bigla kasing nawala ang naturang excitement. Sunud-sunod ang naging busina ng kotse. What the! Si Jamal man ay nagtataka din. "Wait here, at ako ang titingin. I'll make sure kung si David ba ang nasa labas," saad ni Jamal sa kapatid. Lumabas agad siya sa kwartong kinaroroonan ng kapatid at mabilis na bumaba mula sa hagdanan. Sumilip siya sa bintana. Kumunot ang kanyang noo nang makita si Israel Montenegro. Binundol ng kaba si Jamal. Ba't may dugo ang damit nito. Ano bang nangyayari? Napatutop siya sa sariling bibig. "Yana!" sigaw ni Israel, kasalukuyan siyang nasa gate ng apartment ng dal

