Pinagmamasdan ni Yana ang kanyang mukha sa malaking salamin. Hindi maitatangging may pagka-similarity nga silang tatlong magkakapatid. At kamukha nila ang kanilang ina. She was wearing a simple dress. Kinakabahan siyang makita ang kalagayan ng kanyang ama, at malaman kung ano ng status sa mental health nito. She let out a deep sigh. Saka siya nagpasyang lumabas sa sariling kwarto at bumaba sa imperial staircase. Nasa malawak na living room ng palasyo naghihintay sa kanya ang kanyang inang reyna, kasama nito ang tinatawag na Private Secretaries nito. Kumunot ang noo ni Yana. Well, she heard that her mom is always briefed by her Private Secretaries ahead of her audiences. Ngumiti lang sa kanya ang ina at yumuko, tanda na sila'y aalis na. Laksa-laksang royal guard ang nakasunod sa kanial.

