"Nice meeting you again, Mrs. Del Fuego, may kailangan ka ba?" masiglang turan ng magandang doktora. "Same here, doc. We're here to conduct some DNA test. We need your service this time," nakangiting saad ni Aialyn sa kakilalang doktora. "Sino ba sa mga kasamahan mo ang magpa-DNA?" tanong ng doktora. Iminuwestra ni Aialyn sina Jamal at Astrid. Nakangiting napasulyap sa kanila ang magandang doktora pagdaka'y biglang kumunot ang noo nito. "Are you two related to Ms. Yana Macaraeg? Hindi ko lang mapigilan at talagang may pagkakahawig kayong tatlo, I'm sorry if I'm wrong ladies," ani ng doktora sabay hingi ng paumanhin. "I know her." Halos sabay na sagot nina Astrid at Yana, saka sila nagkatitigan at ngumiti sa isa't isa. "I see, akala ko pa naman triplets kayo at magkapatid," sabi ng

