Natahimik ang lahat ng marinig ang tanong na iyon ni Yana. Nakikinig lang sina Renelyn, Dylan at Orland. Pati si Delmar ay medyo nalito sa sinasabi ni Astrid at David. Hinarap ni Yana ang kapatid na si Astrid. "Ano'ng ibig mong sabihin, we're family, right? Ba't feeling ko may alam kayo na hindi namin nalalaman? Bilang pamilya, ang problema ng isa ay dapat nating solusyunan. Tulad na lamang ng problema ni Papa," saad ni Yana at napatitig sa mga mata ni Astrid, pagdaka'y lumipat ang tingin niya sa kanyang ina. Nagkatinginan sina Astrid at Aster. Iminuwestra ng reyna na maupo muna sila sa king size couch. Naupo naman roon sina Jamal, Astrid at Yana. Samantalang si Renelyn ay katabi ang reyna. Nasa isang couch ang mga boys na kasalukuyang naghihintay sa sasabihin ng mahal na reyna. Tumi

