Naging masaya ang bawat araw ni Yana. Kasama n'ya si David sa bawat araw na may prenatal checkup s'ya. Kasama n'ya ito sa tuwing gusto n'yang lumabas at mag-unwind. Binibigyan s'ya nito ng sapat na oras. Ramdam n'ya ang kakaibang saya. Ang inaalala n'ya lang. Paano nga ba kung dumating na ang oras na makaalala na ito? Doon biglang umusbong ang lungkot sa kanyang puso. Nakaupo s'ya ngayon sa kanyang malambot na kama habang hinimas-himas ang kanyang 'di-kalakihang tiyan. "Littel angel, sana kung sakali mang makaalala na ang Papa mo. Hindi n'ya makalimutang banggitin ang salitang 'I love you para sa'kin," ani Yana, saka s'ya nagpakawala ng marahas na hininga. Narinig n'ya ang mahinang katok mula sa kanyang pinto. "Come in," saad n'ya. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni David. Me

