Nakasunod lang si Yana at David sa likuran ni Orland. Kasalukuyan nilang tinungo ang kwarto kung saan nagpapahinga ang kanyang ama. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ni Yana. Sa wakas makikita niya ulit ang ama na minsan na niyang nakilala. Ngunit agad rin niyang naalala ang kalagayan nito ng minsang nagkakilala sila nito sa ospital. Meron nga pala itong cancer. Wala sa sariling napaluha siya. Marahas na pinunasan niya ang ilang mga butil ng luha na traydor na bigla na lamang kumawala sa kanyang mga mata. Makalipas ang ilang saglit ay narating na rin nila ang naturang kwarto ng Ginoo na ngayo'y kasalukuyang nagpapahinga. Sinalubong sila ng magandang private nurse nito na si Renelyn. Yumuko ito sabay bati bilang paggalang sa kanila. Napaluha si Yana nang makitang muli ang Ginoo. Par

