Mula sa kanyang kama bumalikwas si Yana. Tumayo siya para pagbuksan si David. Baka nariyan na ang doktora na sinasabi nito. Sana nga. Sumasakit na rin ang puson niya. Sh-t! Binuksan niya ang pinto at sumalubong sa kanya ang seryosong awra ng binata. "Hindi raw makakapunta si Dra. Lim., masama raw ang pakiramdam. I will try to contact Dra. Dela Cerna," saad ni David. Lihim na nanghihinayang si Yana. Baka kasi mas lalong lumala ang pakiramdam niya. Dati na siyang may UTI. Saka niya naalala na ilang bote rin ng softdrinks ang naubos niya nang nasa Sangri-la sila. Ipinilig niya ang sariling ulo. Problemadong napapikit siya nang mariin. Damn! "Thank you, David," sagot niya sa binata. Napansin ni David ang anyo ni Yana. "Are you alright?" "Y-yes," maagap na sagot ni Yana. Hindi makating

