Alexa
That bastard!
Ano'ng trip niya? Akala niya ba madadaan niya ako sa ganoong strategy?
How could he use Lolo? Ginagamit niya si Lolo para hindi ako makapalag sa mga palabas niya. Tuwang-tuwa pa naman si Lolo. Hindi niya alam na palabas lang ang lahat ng ipinapakita ng Ludwig na 'yon.
Hindi ko alam kung ano ang plano niya. Usually hindi naman siya umaarte ng ganoon ka-sweet sa harap ni Lolo. Pero ngayon todo effort siya. He even set up lunch with Lolo yesterday, na hindi naman niya ginagawa. Madalas si Lolo ang laging nagse-set up ng dinner or lunch para makasalo namin siya.
Why the sudden change, Ludwig Bastard Henderson?
Napapaisip talaga ako. Pero isa lang naman ang dahilan, eh. Paniguradong may binabalak siya. At hindi ako papayag na magtagumpay siya.
But I remember what happened in the hotel yesterday.
Hindi ako nag-iingat. Kamuntik ng may mangyari sa aming dalawa ng bastard na 'yon. Alam ko na, we almost do it. Kaya ganoon ang suot ko na damit paggising ko.
"How dare him, na hubaran ako at bihisan ng ganoong klaseng damit?" Kinikilabutan na nayakap ko ang sarili ko. "Ibig sabihin wala na akong maitatago sa kanya? Nakita niya na ang lahat sa akin?" Natuptop ko ang bibig ko sa na-realized ko. Pakiramdam ko namumula ako sa mga oras na ito. "He has already seen my nakeness? Hindi pwede!" I exclaimed.
"Ano ang hindi pwede?" Gulat na napatingin ako sa nagsalita. And I saw Tommy peeking from the half- closed door. "Can I come in?" Tanong nito.
"Yes, of course!" Tumatangong tugon ko sa kanya.
"Thanks," nakangiti na lumapit si Tommy sa mesa ko."Ano'ng problema? Ano 'yung narinig ko na sinabi mo na hindi pwede?" Usisa nito sa akin.
"Ahm... It's nothing. Don't mind it, Tommy," alanganin ang ngiti na sagot ko sa kanya.
"You okay? Bakit namumula ka? May nararamdaman ka ba na hindi maganda?" Worried na tanong ulit ni Tommy. Napahawak tuloy ako sa magkabilang pisngi ko.
Namumula talaga ako?
Tanong ko pa sa isip ko kahit sinabi na ni Tommy sa akin. Ganoon ako kaapektado sa kaalaman na nakita niya na ang katawan ko? Well, asawa ko siya, pero sa papel lang 'yon. Kaya hindi ko matanggap na naisahan niya ako. Bakit ko pa kasi ininum ang wine na 'yon, eh! Dapat talaga hindi ako sumakay sa patibong niya eh. Sana hindi na lang ako nagpunta sa hotel. Kung nagkataon naisahan niya na sana ako. Mabuti na lang walang nangyari sa amin. Pero bakit nga kaya hindi niya itinuloy ang masama niyang balak sa akin?
We have been married for almost one year.
Pero wala pang nangyayari sa amin. At magkahiwalay kami ng kwarto. Kaya hindi ako makapaniwala na nakita niya na ang katawan ko. Naiinis talaga ako kapag naalala ko ang nangyari. Hindi talaga ako dapat na naging padalos-dalos.
"A penny for your thoughts, Mrs. Henderson?" I heard Tommy ask.
Kaya nagising ako mula sa malalim na pag-iisip. Nawala sa isip ko na nandito pala si Tommy sa opisina ko. Nakakahiya tuloy sa kanya.
"Sorry... May nangyari lang kasi," hingi ko ng paumanhin sa kanya. "Pasensya ka na sa akin, ha. Ano nga pala ang kailangan mo?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Nasa opisina ako pero wala sa focus ang isip ko dahil sa nangyari no'ong nakaraang araw.
Tommy smiled at me, "It's okay. Mind telling me what happened?" Naninimbang na tanong nito.
He has always been there for me. But I can't tell him about what happened between me and Ludwig.
Hindi pwedeng may ibang tao na makaalam. Lalo na kung malapit kay Lolo. As long as possible, gusto ko na ako lang ang nakakaalam ng mga plano ni Ludwig. Ayokong masaktan si Lolo. Hanggat kaya ko pipigilan ko siya na makuha ang isla at kompanya ng hindi nalalaman ni Lolo.
"Wala lang 'yon. Don't mind it. Sorry preoccupied ang isip ko ngayon," I smiled at him, para hindi na siya mag-alala at mag-usisa. "Ano ang ipinunta mo rito?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Kung ayaw mong sabihin sa akin okay lang." Naupo si Tommy sa upuan sa harap ng desk ko. "But keep in mind that whenever you need someone to talk to, I'm just here. I'm willing to listen always, Alex." Nakangiting ginagap nito ang kamay ko.
"Salamat, Tommy. Ang dami mo ng naitulong sa akin." Nakangiting sabi ko sabay patong ng kaliwang kamay ko sa kamay niya na nakahawak sa kanan na kamay ko.
"I already told you that I would always be here for you. Kaya kung ano man 'yang nagpapagulo sa isip mo, you can tell me about it. However, if ayaw mong sabihin, hindi kita pipilitin. Basta nandito lang ako." Tommy told me this while still holding my hand. I can see the sincerity in his eyes. Hindi tulad ng isang yon na halatang nagpapanggap lang.
"Do you mind telling me why you are holding my wife's hands, Mr. Sandico?" sabi ng iritableng boses na sabay naming ikinalingon ni Tommy.
I saw that bastard standing there with his furrowed brows.
Nakatingin siya ng masama sa mga kamay namin ni Tommy. Kaya mabilis na binawi ni Tommy ang mga kamay niya saka tumayo.
"I'm sorry, Mr. Henderson. I just got carried away. I'm just asking if Alex is okay," Tommy explained.
"First name basis, huh?" he said sarcastically while walking towards my table. "And why do you seem so worried about my wife?" He added, emphasizing the word "wife."
Tsk! Pinagdiinan niya pa talaga 'yung salitang wife. Kasuka!
Bago pa magsalita si Tommy ay inunahan ko na siya.
"Because I'm not feeling well today, Kaya siya nag-alala sa akin," mabilis kong saad sa kanya. "Ahm... Tommy, don't worry, I'm okay. May Idi-discuss ka sa akin, right? " Nakangiting baling ko kay Tommy.
"Yeah, But it can wait. I'll just discuss this with you later. Excuse me." Tommy said, and he walked towards the door to leave.
Nakita ko na sinundan niya pa ng tingin si Tommy.
"How could you ask him like that?" Sita ko sa kanya pagkaalis ni Tommy.
Naglakad naman siya palapit sa akin. At ngayon ko lang napansin ang dala niyang bouquet ng bulaklak. Dahil nasa bulaklak ang atensyon ko, hindi ko napaghandaan ang sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa pisngi.
"H-Hey! Bakit mo ako hinalikan?" I exclaimed.
"Flowers for my wife?" Saka niya iniabot ito sa akin. Kaya no choice ako kundi tanggapin.
"I came here to surprise you. But, I'm the one who was surprised by what I saw. Your Abuelo's assistant is holding your hands like that. And why does he seem so concerned and worried about you?" He said while looking at me.
I rolled my eyes heavenwards before answering, "That's none of your business. At saka ano na naman ba itong palabas mo?" Pagtataray ko pa sa kanya.
"You seem so sweet to your Abuelo's assistant, and you even hold hands with him. And you are talking to your husband like that?" He said to me, sa tono na nanumnumbat.
"C'mon, Ludwig! Cut the crap!" I yelled at him. Naiinis na talaga ako sa kanya. Hindi pa ako nakaka-move on sa ginawa niya the other day, dinadagdagan niya pa.
Hindi man lang siya natinag sa pagsigaw ko. Instead mas lumapit pa siya sa akin.
"A-Ano ba! Lumayo ka nga sa akin!" singhal ko sa kanya. Pero imbes na lumayo ay hinapit niya pa ako sa bewang kaya naman nagpumiglas na ako. "Bastard! Ano ba ang problema mo? Bitiwan mo nga ako!" Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa galit. Ang kapal ng mukha niya na hawakan ako.
"I'm your husband. And I have all the right to do whatever I want to you. And that includes kissing you and holding you like this." He said that while looking at me intently. Still holding me.
I looked at him bewildered and said, "Is this part of your plans? Are you trying to seduce me?" I gasped because, instead of answering my question, inilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Why? Are you seduced, my wife?" Grinning, he inquired.
"In your dreams." Madiin kong tugon sa kanya. "It will never happen." Dagdag ko pa, kahit na pinipigilan ko lang na huwag ipahalata sa kanya ang kabang nararamdaman.
"Let see, my wife," Aniya na hindi papatalo.
"Stop calling me that. At pwede ba bitiwan mo ako at lumayo ka sa akin." Palaban na sabi ko sa kanya. Hindi rin ako papatalo sa kanya kahit na ano'ng mangyari.
"Just like I said a while ago, I will do whatever I want to. Because I'm your husband and you are my wife." He said, and I was about to snarl at him, but I was caught off guard by what he did next.
He kissed me!
Again.