I changed into my two piece, but I hid it beneath my sweater. The sweater reached on my mid thighs, my hair fell in my back and I have to embrace myself because of the breezing cold wind. Ibang grupo naman pala ang pupuntahan namin at mas ka-close sila ni Quin. Nakita ko ang iilang pamilyar na mukha na studyante rin sa parehong school na pinapasukan ko. "Kumain na kayo? Nauna na kami, kain na muna kayo," saad ni Tristan Immerson. Tumingin siya sa'kin at ngumiti, kumpara sa mga naunang kaibigan ni Quin ay mas desente sila at mas palakaibigan. "Kumain muna tayo, Niara. Galing ka pang trabaho kaya kumain ka muna." I nodded at Quin without looking at him, ngayon ko lang naramdaman ang hiya sa mga pinagsasabi kanina. Hindi na naman nakasagot iyong babae dahil umalis na agad kami kanina

