Tahimik kami sa sasakyan habang pauwi, kanina pang hindi nagsasalita si Quin. Tinignan ko siya, umiigting ang panga niya at mukhang galit pero alerto habang nagda-drive. Kanina ko pang iniisip bakit siya nagagalit, sa akin ba siya galit o...kay Kent? But it's almost impossible, especially when a thought crossed my mind. Is he jealous? Gusto kong matawa pero baka mas magalit siya, at hindi ko gustong aminin na natutuwa akong nagseselos siya. Kung nagseselos nga. "Ah, Quin?" Hindi siya sumagot pero nakita ko ang mabilis na paglipat ng tingin niya sa akin. Ibinalik lang agad sa daan. I stifled a smile, he still looked at me despite of his foul mood. "Anong gusto mong ulam? Kasi magluluto sana ako." Hindi pa muna siya sumagot, akala ko hindi na siya magsasalita pero isang buntong-hining

