LORENZO Lunch na nang makabalik ako sa bago naming hideout kaya pagpasok ko pa lamang sa kuwarto ay kasunod ko na si Leandro. "Saan ka galing? Kagabi ko pa tinatawagan ang phone mo hindi ka sumasagot." usisa niya pagkaupo ko sa sofa. Niluwagan ko ang butones ng suot kong polo. Kinuha ko ang phone sa loob ng bulsa at ipinatong ito sa ibabaw ng table. "Sorry, may inasikaso lang ako kagabi. Anong balita kay Uncle?" Seryoso siyang naupo sa harapan ko na parang sinusuri ang kabuohan ko. "Gusto niyang makipag-ayos sa ating dalawa, pero may kundisyon. Gusto niyang tayo ang sumundo sa illegal shipment mamayang gabi sa pier. Kapag nagawa natin yun hindi na niya tayo guguluhin pati na rin si Sol." sagot niya na ikinabuntong hininga ko. Hindi pa rin niya kaya ng wala ako. Pero kasalanan niya k

