SOL Sumakay kami ng kabayo pababa ng bundok. Nanatili akong walang imik pero ramdam ko ang panaka-nakang pagtitig sa akin ni Leandro ngunit hindi ko siya pinapansin. “Baby—” “No.” Putol ko sa kung ano man ang sasabihin niya. Hindi ko pa rin siya tinapunan ng tingin. Ayoko siyang bigyan ng pagkakataon na kausapin ako dahil baka magbago pa ang isip ko. Buo na ang loob kong lumayo sa lugar na ito. Lumayo mula sa kanilang dalawa. Kung habang buhay man ay kailangan kong tangapin. “Makinig ka muna please.” Mariin ako napapikit dahil sa paki-usap niya. “Yun na ang kinalikahan naming buhay, mula sa aming mga magulang hangang kay Uncle Walton. Kahit hindi namin gusto wala kaming magagawa. Nasa pangalan na namin naka-ukit ang pagiging anak ng mafia–” “Life is a choice Leandro! Hindi ginu

