SOL Hating gabi pa lang ay handa na kami sa pag-alis. Nakahilera kami ngayon sa harapan ng Magandang yate na sasakyan namin patungo sa aming destinasyon. “Nakahanda na ba ang lahat?!” Anunsyo ni Mr. X sa amin na kasalukuyang nakahanda na sa pag-alis. Mula dito sasakay kami ng luxury yacht at dadaong ito sa San Pedro shipyard Lucena at sasakay naman kami ng van patungo sa bahay na tutuluyan namin. “Yes Mr. X!” sabay-sabay na sagot naming lahat. Kinuha ni Lean ang maleta na dala ko at si Renzo naman ang nagdala ng hand carry na bag ko. Kasama namin ang ibang agent ng TAJSO at aabutin ng limang oras ang magiging byahe namin. “Sana all my taga-buhat!” Litanya ni Zoe nang makita niyang wala akong bitbit na bag. “Ganun talaga…kapag maganda…” Pagyayabang ko na ikinatawa nila. May mga ka

