"Wala akong pananagutan sa 'yo. Sisirain mo lang ang pangalan at pamilya ko," sumenyas ito sa guards na agad siyang hinawakan sa magkabilang braso para hilahin na palabas.
Her already flowing with tears eyes became sharp as she looks at the guy who got her pregnant, "Pagbabayaran mo ito. Isinusumpa ko na babagsak ka rin kung saan ka man ngayon! Darating ang panahon na ako naman ang titingalain mo at ikaw ang ipakakaladkad ko!" nanginginig na sigaw niya habang hinihila siya palabas ng mga guard. Pinipilit pa rin niyang labanan ang mga hawak nito sa kanya.
"Bitawan ninyo ako! Hayop ka, Philip!" sigaw niya bago pa siya tuluyang nahila ng mga guards palabas at basta na lang na binitawan. Sumalampak ang puwet niya sa semento.
"Cut!" sigaw ng director gamit ang mic na nasa kabilang banda.
"Aw! Masakit 'yun ah!" natatawa na reklamo niya sa mga guards na tumapon sa kanya.
"Sorry po."
"Sorry, Miss Kera," isa-isang hingi nito ng pasensya sa kanya at tinulungan siyang tumayo.
Nilapitan na rin siya ng mga stylists at staff ng production.
"Kera, are you okay? It was a good take," anang director sa kanya at tinapik siya sa balikat ng lumapit ito sa kanya pagka-upo niya sa may tent.
"Thank you, direk."
Kasalukuyan siyang may taping para sa kanyang upcoming na movie at kalahok sa Metro Manila Film Festival. Siya ang main character na babae kung saan isa siyang rape victim ng amo niya na sikat na artista. Maganda ang project at malaki ang tyansa na manalo ito ng award.
Pagod siyang humiga sa kwarto niya nang matapos ang taping nila para sa ilang eksena. Kailangan niya pa na gumising ng maaga bukas dahil may ilang interview at guesting siya dapat asikasuhin.
Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok ang kanya ina, "Vera, magpahinga ka na lang muna. Si Kera na ang gagawa sa guestings at interviews," ani nito, "May lakad ka bukas. We have a client."
Hindi na lamang siya sumagot. Agad din naman na lumabas ang ina niya. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito sa client. Just some bored billionaire's who pays just for entertainment.
Hiling na lamang niya na hindi ito masyadong pabigat o bastos at umiikli na ang pasensya niya.
Napabalikwas siya ng bangon sa inis. Tumayo na lamang siya at magpasya ng maligo ng mainit na tubig para masarap ang tulog niya.
It's always her who does all the work! It's always her and she's getting tired of it!
Kinabukasan ay ginising siya ng ina para mag-almusal at pinaalalahan siya sa kung sino at ano ang gagawin niya.
It's another stupid date for a party. Opening ng isang hotel kaya naghahanap ito ng makakasama. She loves it though. She loves extravagant things. Nakuha niya siguro sa ina ang pagiging mahilig sa spotlight pero sadyang ipinagkakait.
Alas 4 pa lang ng hapon ay nagtungo na siya sa hotel. It's a masquerade party, she needs time to prepare. Doon na rin niya ma-me-meet ang kanyang kliyente.
Pagkabukas ng elevator ay agad siyang lumabas para hanapin ang room ng number ng kliyente niya. Naroon na rin ang kanyang damit na susuotin at ang mag-aayos sa kanya. It's a private thing that's why she has nothing to worry about her name.
Kilala na rin naman siya bilang anak ni Matilda Lopez sa gawaing ito. It's not that it's illegal to begin with. It just a matter of connections to people who has deeper connection to the society.
Kumatok siya nang nasa tamang room number na siya. Nilinga niya ang magkabilang tahimik na pasilyo bago nagbukas ang pinto.
Ngumiti siya agad ngunit nakita niyang mga stylist at make-up artist ang nasa loob. Nagpakilala na muna siya at maging ang mga ito. Try act and look professional. Hindi man lang nagulat nang sabihin niya ang kanyang pangalan.
"Kayo lang?" tanong niya.
"Yes, ma'am. Aalis din po kami agad matapos naming kayon ayusan," anang may kataba-an na babae.
"Okay."
Kinuha na niya ang kulay itim na robe na nasa kama at pumasok sa CR. Hinubad niya ang kanyang mga damit maliban sa kanyang thong at n****e tape. Tapos na naman na siyang maligo kaya diretsong ayos na ang ginagawa nito sa kanya.
Pumikit lamang siya habang nakaupo sa harap ng salamin hanggang sa sinabihan siya na pwede na siyang magbihis. Tinulungan siya ng mga ito sa pagsusuot ng kanyang beige silk gown. It’s a square neck with an open back. The sleeves are made of strings.
"Thank you," she said to the staff that helped her. Umalis na rin ang mga ito. Iniwan siyang tinitingnan ang sarili sa salamin habang hawak ang silver glittery mask.
Napalingon siya sa pinto ng may sunod-sunod na kumatok. Naisip niya na baka ito na ang kliyente niya kaya ngumiti na siya at pinagbuksan ito ng pinto.
Ngunit nagmamadaling pumasok lamang ang lalaki na nakasuot ng suit and tie. Her forehead creased as she took a step backward. Agad naman nito na sinara ang pinto.
"Sh*t. I really hate this," she heard the man mumble. He sounds foreign because of his accent.
"Who are you?" she asked with a high-pitch tone.
Lumingon ito sa kanya at tumama ang asul nitong mata sa kanya. May kulay brown na buhok, matangkad, at halata ang matigas nitong katawan sa loob ng suot na suit. Tama nga ang hula niya na hindi ito Pinoy.
He chuckled, "I'm sorry. Have we met?" he asked.
She crossed her arms over her chest and looked at him puzzled, "Have we?" she said.
Tumawa ito at umiling-iling, "What are you doing in my hotel room?"
"Excuse me?"
Mas lalo itong tumitig sa kanya, "In my hotel room, Ms. Room number 1016."
Siya naman ngayon ang tumawa dahil malabo na siya ang magkamali. Hindi naman niya aabutan ang mga stylists sa kwarto na ito kung hindi para sa kanya ang room na ito.
"This is room number 1015, Mr."
Bahagyang umawang ang bibig nito at nanlaki ang mata ngunit agad rin itong nakabawi. Kagat nito ang ibabang labi na muling binuksan ang pinto at tiningnan ang nakalagay na number doon.
He chucked, again. His voice is hoarse that can have an effect on her being, "I'm so sorry. I did not know. Are you also attending the party?"
Hindi na niya ito sinagot at tinitigan na lamang para lumabas na ito.
"Okay, I get it. What's your name, by the way?"
She grins, "Kera Lopez. You can search me on google if you're interested," she said.
He sexily played his tongue with his lips while looking down from her head to her toe and back to her face. She just smiled sweetly when their eyes met, again.
He fakes a cough, "I should go. Nice meeting you."
Ilang sandali pa ay pumasok na ang may edad na negosyante at binati siya. Maayos na ang suot nito kaya agad na rin siya nitong inaya patungo sa kung saan gaganapin ang party.
"You look dashing, Ms. Lopez," Mr. Yu, her client, commented.
She just faked a laugh like she really likes the compliment when the truth is it's nothing to her, "Thank you, Ms. Yu. You look hot in your suit, though."
Tumawa ito at umiling-iling. Hinapit nito ang baywang palapit sa katawan nito nang papasok na sila sa venue. Sa entrance pa lang ay kita na karangyaan sa pag-disenyo para sa isang gabi lamang na ganap.
Agad na may binating mga kakilala ang kasama niya kaya nakipag-kilala na rin siya sa mga ito. Wealthy people do not care about people unless it's about stocks and shares. They do not care who you are or what you are to the society. Only those low-profile people love to mind others' business.
Kumuha siya ng inumin mula sa waiter na palakad-lakad sa paligid. It’s a margarita when she first sniffs the scent.
"You can go get yourself food if you're hungry. I'll just go talk about business with that table," Mr. Yu, whispered to her ear.
Natutuwa na tumango naman siya. Hinalikan muna siya nito sa pisngi bago umalis. She sighs heavily and celebrated for herself.
Nagtungo siya sa kung saan nakahilera ang mga pagkain ngunit wala siyang nagustuhan kaya kumuha na lamang siya ulit ng wine sa may gilid at inilapag ang wala nang laman na wine glass niya.
She roams her eyes around to look for something exciting, but her eyes are fixed to the man with a familiar build and suit. His brown hair and blue eyes seem to catch her attention even from afar.
Napapaligiran ito ng mga lalaki na kasing tindig at tanggad nito.
She bit her lower lip before sipping from her wine glass. She should get laid for tonight, right? It is also a perk of attending an event like this.
Nagbabayad lang ang mga kliyente sa wala para lang may makasama sa business hunting nito. Hindi dapat niya sayangin ang gabi na minsan lang mangyari. As what she always said, fvck and forget.
Natawa na lamang siya dahil sobrang tagal na rin nang huli siyang makatikim. It was her first and last. Nakalimutan na niya ang itsura ng lalaking napagbigyan niya ng kanyang kaberhinan.
Napaayos siya ng tayo nang napunta ang tingin ng lalaki sa gawi niya. Hindi man lang niya binaba ang tingin kahit nahuli na siya nitong nakatingin sa lalaki. Fvck and forget. She doesn't know the person and will never meet him again. No problem.
Umiwas ito ng tingin at may sinabi sa mga kasamahan bago maglakad paalis sa grupong iyon. Tumawa lamang ang mga kasama nito at sinundan ng tingin ang lalaki.
Muli niyang nilapit ang bibig sa wine glass na hawak at himigop roon ng kaunti. Nang ibalik niya ang tingin kung nasaan ang lalaki kanina ay wala na ito. Hindi niya na rin mahagilap sa paligid.
She just chuckled for herself. Bad night.
"You're looking for me?"
Napapiksi siya nang may magsalita sa likuran niya malapit sa kanyang tenga. Ramdam niya ang galaw ng labi nito roon.
He chuckled when she can't say a thing. Nagtungo na ito sa harap niya at nan-laki ang mga mata niya nang ang lalaki ito. Ang tinitingnan niya kanina.
Sekreto niyang kinalma ang sarili bago ito nginitian, "What if I am?" matapang niyang tanong. Gusto niya lang talaga na makatikim kaya sobrang kapal ng mukha niya.
Malakas itong tumawa. Tinitigan niya lamang ang mukha nito habang kita niya ang perpekto nitong mga ngipin.
"You're familiar, really. Aside from earlier," he said, looking at her intently. "Just not sure of the name…"
Awang ang bibig niya at isina-walang bahala na lamang ang sinabi nito, "We can get more familiar with each other, later…" she said prolonging the last word.
Tumaas ang kabilang gilid ng labi nito at tinginan na naman siya mula ulo hanggang paa. Hindi naman nakakainsulto ang tingin nito. Mukha lamang nitong tinitingnan ang kabuuan niya kung papasa ba siya sa panlasa nito.
Itinaas niya ang isang kilay at sumimsim ng alak na hawak. Agad niya ring ibinaba at malaki na ngumiti sa paparating na kliyente.
Sinalubong niya si Mr. Yu at hinalikan ito sa pisngi. Kinabig naman nito ang baywang niya at sabay na silang naglakad pabalik sa pwesto niya.
"Mr. Yu, how are you? Looking good, are we?" bati ng lalaki sa kasama niya.
Mukhang nataranta naman ang kasama niya nang makilala kung sino ang bumati rito. Maging siya ay nagulat na mukhang mataas ang antas ng lalaki kaysa sa kliyente niya. Nakinig na lamang siya habang nag-uusap ang dalawa sa walang pakialam niyang bagay.
“You have a lovely date, Mr. Yu. May I know her name?”
Mangha na sinipat siya ng tingin ni Mr. Yu bago sunod-sunod na tumango sa kausap, “Of course, Mr. Demos.”
May mapaglarong ngiti. May pinaparating ang tingin nito nang siya naman ang pinagtuunan nito ng pansin, “Lovely to meet you, Miss?”
She smiled, “Kera. Lovely to meet you too, Ms. Demos,” she said formally.
Bahagya lamang itong tumawa at kinuha ang kamay niya na nakapatong sa mesa at inilapit sa bibig nito. Hindi naman na iyon bago sa kanya pero iba ang hatid ng halik nito sa kamay niya.
Nang may lumapit na isa pang naka-suit and tie ay napunta ang atensyon ni Mr. Yu roon kaya bahagyang lumapit si Bran sa kanya at may ibubulong.
“See you in my hotel room… I’ll be waiting.”
Nagliwanag ang mukha niya. Nang lingunin niya ito ay wala na ito roon.