Natapos ang taping nila sa araw na iyon ng alas 8 ng gabi dahil lumipat pa sila sa ibang location kaya medyo malayo ang byahe niya para bukas. Kailangan niyang gumising na naman ng maaga. Ewan niya ba at hindi pa rin siya nasanay sa maagang gisingan. Inaantok na bumaba siya ng sasakyan niya matapos mag-park sa parking lot ng bahay nila. Walang bisita ang bahay nila ngayon kaya nakauwi siya. Mukhang tulog na ang lahat dahil patay na ang ilaw ng sala nang makapasok siya kaya dumeritso na siya sa kanyang kwarto dahil wala rin naman ng dapat bang gawin o kausapin. Pagod man ay pinilit niyang mag-hot bath para sa mahimbing niyang gabi. Lagi siyang nakakatanggap ng text mula sa lalaki na hindi niya maalala ang pangalan. Dapat ay titanong na muna niya sa kakambal ulit. Nakakahiya at nakakakila

