Matapos nilang kumain ay bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam. Malaking tulong lang din siguro ang masarap na kinain nila. "Do you have somewhere else you want to go?" "Wala. I just want to cuddle with you," sagot niya. He chuckled, "Better." Nang makabalik sila sa bahay ni Bran ay nabigla na lamang siya nang may mga sumabog pagkapasok nila. "Welcome home!" nag-iisang sigaw ni Sergio. Nilingon nito ang mga kasama na nagpaputok lang ng hawak na poppers. Parang tamad na tamad sa ginagawa. "Mga hayop! Wala man lang kayong cooperation!" reklamo nito. Bahagya na lang din siyang natawa. Tumango lamang ang mga ito sa kanya at kay Bran bago muling ibinalik ang tingin sa bukas na TV. "What are you all doing here?" Bran asks. "We missed you," sagot n'ung isa. Kumpleto yata sila ngay

