Umupo siya sa paanan ng couch para magpantay ang mga mukha nila. Natatawa pa rin talaga siya kahit dapat ay galit dahil anong oras na at para pa rin itong tanga na ayaw matulog. "Parang tanga 'to," natatawang ani niya. Bumukas ang isang mata nito upang silipin siya bago muling isinara, "I'm not tired, Vera." Awang ang bibig niya na hindi makapaniwala. Kagat ang labi na tumayo siya, "Ah, hindi ka pagod?" Sinakyan niya ang likuran nito at binigay ang buong bigat na natatawa. Ilang mura ang idinaing nito bago siya muling tumayo, "Bran, ang tigas ng ulo mo," ani niya na natatawa at hinihingal sa ginawa. Busangot ang mukha nitong bumangon at umupo bago muling inabot ang baywang niya kaya sumalampak siya sa katawan nito. Parang galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya ngunit may b

