After six years, Mr. and Mrs. Joseph Ernest Ramos reunited again. Grand church wedding is expected next month. And everyone's invited! Paulit-ulit kong binabasa ang nakasulat sa pahayagan. Hindi yata nauubos ang luha sa mga mata ko. Para itong bukal na patuloy sa pag-agos. Mr. and Mrs. Joseph Ernest Ramos Hindi sana ako iiyak ng ganito kung ako ang kasama ni Joseph sa picture. Pero hindi. Ibang babae ang kasama niya roon. Ang totoong Mrs. Ramos. "Princess, tahan na.." Kanina pa ako inaalo ni Yaya Lyn. Simula noong ihatid niya ako rito sa mansion ay wala na akong ginawa kundi umiyak. "Ya, did I do something bad before?" "Wala. Napakabait mong bata.." "Pero bakit pinarurusahan ako ng langit?" "Shhh..Tahan na makakasama sa baby mo yan." Niyakap ako ni yaya ng mahigpit. Hinawakan ko

