"Razel, pakuha naman ng maleta kay Tita Belle." Pakiusap ko kay Razel. Ito kasi ang may bitbit ng maleta na naglalaman ng mga gamit ng kambal. Sumabay na rin kasi ito sa pag-uwi namin sa Pilipinas. "It's okay, hija." Tanggi naman ni Tita Belle. Tangan nito ang signatured bag sa kanang kamay habang hila ang hindi kalakihang luggage ng mga bata. "Ma'am, ako na po. Wala naman akong bitbit." Ani Razel rito. "Okay.. Can I carry Queen instead?" Si mommy kasi ang may hawak kay King na nauuna na sa amin ngayon. Tumango ako bilang pagsang-ayon rito. Lumapad naman ang ngiti nito sa akin. Lately, I smiled a lot. Maybe because I am just happy that finally I have moved on -- with all the hurt and pain. "Oh wow! Closeness sa mother-in-law?" Siko sa akin ni Manuel na kasabay ko sa paglalakad. Yeah,

