Napangiti ako ng makita si Yaya Lyn na karga-karga ang apo nito kay Dannie. Nasa likod bahay ang mga ito at nagpapa-araw. Dali-dali kong tinalunton ang daan patungo sa mag-lola. "Yaya.." I said silently. I just want to be noticed by Yaya Lyn. Busy kasi ito sa pagsasayaw sa baby. "Snow..Magdahan-dahan ka sa paglalakad at baka ikaw ay matapilok." Paalala nito sa akin. Patuloy ito sa pagsayaw sa apo. May ritmo ang bawat indayog ngunit walang tugtog. "Can I see the baby, Ya?" Inilahad ko ang aking braso rito. Inabot naman iyon sa akin ni Yaya Lyn. I held him in my arms. Napaka-gwapo nito. Kamukhang-kamukha ito ni Dannie pero ang mga mata nito ay katulad ng kay Mr. Sebastian, ang asawa nito. "Hello, baby..I am Tita Snow..And you are?" Nilaro ko ang kamay nito habang naka-upo kami sa benc

