"Kanino kotse 'tong gamit mo?" Hindi ko siya minamaliit pero nagtataka lang ako dahil mamahaling klase ang gamit nitong sasakyan. Nauna na kami kina Manuel dahil may pupuntahan pa daw kasi kaming dalawa. Pero feeling ko alibi niya lamang iyon para makaiwas sa pang-aasar ng mga kabarkada niya. Bahala na si Joseph kung saan kami pupunta total asawa ko naman siya. "Sa akin..why?" Sagot nito sa tanong ko. Seryoso ang mukha nito sa pagdadrive habang ako naman ay prenteng nakaupo lamang sa tabi nito. "Wala naman.." Inisip ko na lamang na baka company car ito. Nakakahiya naman kasi kung magtatanong pa ako rito. Baka sabihin niya na masyado akong nangingialam sa kanya. Mukha kasing bigatin na si Joseph ngayon. I wonder kung ano ang trabaho niya? "General Manager, MR Industries.." Nagulat ako

