“Blooming ka nadiligan ka ba?” Sinamaan ko nang tingin si Lorna sa lakas nang boses niya nagtinginan ang mga taong malapit sa mesang kinauupoan namin. Nasa isang café kami na malapit sa Ibañez tower. Wala pa si sir Lucas kaya naisipan kong mag coffee break muna. Hindi ko alam kong paano ko siya haharapin pagkatapos ko siyang sampalin sa paghalik niya sa akin kahapon sa condo niya. Nagawa ko pang tugonin ang halik niya bago ako matauhan at sampalin siya…… “Lucas De Rizzo huwag na huwag mo na ako ulit hahalikan. Anong akala mo mabubura nang halik mo ang mga ginawa mo sa nakaraan?” sigaw ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko na nadala ako sa halik niya. Nagawa ko pang tugonin ang halik niya. Natauhan lang ako nang pisilin niya ang puwitan ko. “Napakasarap pa rin nang halik ni Lucas” turan

